Ang dami kong lakad ngayong araw. Naka-leave ako for two days para magpahinga pero mukhang malabo iyong mangyari dahil mas nanaig ang kagustuhan kong makagala. Hahaha.

Paalis na ako papunta kanila Lindal. Matagal na rin simula noong huli akong nakatambay roon sa kanila. May kukunin lang ako at makiki-kain na rin at pagkatapos ay didiretso na kanila Kuya Ran para maki-tambay rin hanggang mamayang gabi dahil may susunduin naman ako sa airport (na labis na nagbibigay sa akin ng kaba ngayon dahil hindi pa ako nakakapunta roon miski isang beses at hindi pa ako ganoon ka-gamay sa Maynila).

At sana lang talaga, magkasya ang laman ng wallet ko. 

            At sa pagtulog,
    ikaw ang laman ng isipan ko.
Umaasa sa isang panaginip
    na kung saan
        ay masayang magkasama tayo
Magkahawak ang mga kamay
    at tila ba sa atin lang ang mundo. 
Masaya nang maramdaman
    ang pagmamahal mo,
kahit na ba kailangan ko ring gisingin
     kinabukasan
           ang sarili
                mula
              sa panaginip
                           na
                               ito.

      ‘Paalam.’ ang sabi niya. Ngunit walang nag-abalang makinig; walang huminto para yakapin o magkunwaring pigilan man lamang siya. 
    Nakatungo habang binabagtas ang daan papalabas, pilit nagmamadali upang siya’y mabilis na makaalis na. Iniiwasang may mga taong makapansin; mga taong dati’y kanyang mga kaibigan — dating malaking bahagi ng buhay niya.
     Biglang bumalik sa alaala yung mga panahon na masaya pa siya sa pananatili sa lugar na iyon. Yung kagalakan na magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ng ibang tao. Yung mga panahon na malaya niyang nagagawa ang mga gusto; walang takot na huhusgahan siya ng mga ito.
     Pero unti-unting dumating yung sitwasyon na kanyang kinatatakutan. Yung mawalan siya ng kalayaan; ng kapayapaan ng kalooban. Dahil kung mayroon man siyang hindi gustong pakiramdam, iyon ay ang magapos at ang madiktahan. Dahil nandito siya para maging malaya. Para maialis ang ano mang gumugulo sa isipan. At kung hindi na niya makamit ito, hudyat iyon na oras na para siya ay lumisan.
     Binuksan niya ang pinto ng dahan-dahan. Siniguradong walang liwanag na makakapasok mula sa labas dahil ito ang labis na kinatatakutan ng mga taong nasa loob. Mga taong nabulag na sa katotohanan; mga taong nasanay na sa kadiliman nang hindi nila nalalaman. 
     Sa huling pagkakataon ay lumingon siya sa dating tahanan. Naglabas ng isang mapait na ngiti at tuluyan nang tumuloy sa paglakad. 
     ‘Paalam.’ ang sabi niya.

      ‘Paalam.’ ang sabi niya. Ngunit walang nag-abalang makinig; walang huminto para yakapin o magkunwaring pigilan man lamang siya. 

    Nakatungo habang binabagtas ang daan papalabas, pilit nagmamadali upang siya’y mabilis na makaalis na. Iniiwasang may mga taong makapansin; mga taong dati’y kanyang mga kaibigan — dating malaking bahagi ng buhay niya.

     Biglang bumalik sa alaala yung mga panahon na masaya pa siya sa pananatili sa lugar na iyon. Yung kagalakan na magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ng ibang tao. Yung mga panahon na malaya niyang nagagawa ang mga gusto; walang takot na huhusgahan siya ng mga ito.

     Pero unti-unting dumating yung sitwasyon na kanyang kinatatakutan. Yung mawalan siya ng kalayaan; ng kapayapaan ng kalooban. Dahil kung mayroon man siyang hindi gustong pakiramdam, iyon ay ang magapos at ang madiktahan. Dahil nandito siya para maging malaya. Para maialis ang ano mang gumugulo sa isipan. At kung hindi na niya makamit ito, hudyat iyon na oras na para siya ay lumisan.

     Binuksan niya ang pinto ng dahan-dahan. Siniguradong walang liwanag na makakapasok mula sa labas dahil ito ang labis na kinatatakutan ng mga taong nasa loob. Mga taong nabulag na sa katotohanan; mga taong nasanay na sa kadiliman nang hindi nila nalalaman. 

     Sa huling pagkakataon ay lumingon siya sa dating tahanan. Naglabas ng isang mapait na ngiti at tuluyan nang tumuloy sa paglakad. 

     ‘Paalam.’ ang sabi niya.

One of the best things that happened with my summer — travelling with friends, and enjoying the ambiance at Burot Beach in Calatagan, Batangas.

The long travel hours were really worth it when you get to see these clean waters, very fine (well, almost) white sand, and clear blue skies. I can still feel how those salty waters caressed my sun-dyed skin… it was really blissful! And enjoying it with my closest friends simply made it one of my happiest days of 2013.

“Kung ano man ang dinadala mo ngayon, gusto ko sanang sabihin na mawawala rin iyan. Pero hindi, e. Habang nabubuhay tayo, laging nandyan yung sakit. Laging nandiyan yung paghihirap. Pero gusto kong sabihin na kaya mo ‘yan. Alam kong kaya mo ‘yan.” 

Ang mga salitang iyon lang ang tangi kong nasabi noong nagpasya siyang umalis noon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa sa kanyang pag-iisa. Na nandito ako—kaming mga kaibigan niya—na gaya niya ay nakakaramdam din ng pag-iisa. Na sama-sama kaming mag-iisa. 

Noong una pa lang ay magaan na ang loob ko sa kanya. Likas akong mapili sa mga kinakaibigan pero noong unang ilang beses pa lang ng mga pag-uusap namin ay alam ko nang magkakasundo kami sa maraming bagay. Na hindi ko kailangan magpanggap gaya ng sa pakikitungo ko sa iba. Na pwede akong maging ako kapag kausap ko siya at hindi kailangan matakot na baka mahusgahan lamang niya. 

Kaya nga labis kong ikinatutuwa ang muli niyang pagbabalik. Dahil tila ba sumisigla at mas sumasaya ang lahat kapag nandyan siya at kasama namin. Hindi ko alam kung ano ang meron siya at ganoon na lamang ang epekto niya sa aming mga magka-kaibigan. Pero kahit ano pa man iyon, hinding-hindi ko na gugustuhing iyon ay muling mawala pa.

Binuksan niya ang kahon
Upang itago ang nakangiting maskara
Simula sa araw na ito, 
     hindi na niya iyon kakailanganin pa

Ilang taon din ang ginawa nitong serbisyo sa kanya
Sa pagharap sa mga tao ay lagi niyang kasa-kasama
Ang siyang taga-halili sa tuwing nais niyang kumawala
Kapag natatakot na makita ng mundo na siya ay mahina

Sa huling pagkakataon ay kanya itong minasdan
Ang maskarang matagal niya ring labis na iningatan
Kita sa kinasapitan ang mga hirap na pinagdaanan
Bakas ang bahid ng mga luhang pilit nitong tinakpan

Naalala niya iyong unang pagkakataon na kanya itong ginamit
Ang tanging nakitang paraan upang maitago ang pait
Simula noon ay hindi na niya ito kailanman hinubad pa
Laging suot-suot kahit saan man siya magpunta

Kaya’t hindi niya inakala na darating ang araw na ito
Na kakailanganin niya pakawalan 
            ang isang bahagi ng kanyang pagkatao
Ngunit alam niyang wala na itong paggagamitan pa
Dahil sa pagkakataong ito, 
             siya ay tunay nang maligaya.

Sagipin mo ako, pakiusap
         Ialis mo ako sa lugar na ito
Tulungan mo ako, pakiusap
         Iligtas mo ako sa dsfsdfdsfsdfds
asd;fklpagjfdslkjflkdskjddkdjf
         sfsdkrjsakaersdka;lkjsdfdsfsddsf
dsafjsdlkjgdkaslkfjslkfjsdlkfd
         dsfjeklwjaifjksdluflsakjkrjweijroer 
asdjfkljaselkaisanodfseojsdi
         fsdl;fjsdlkfjdskljrwepnapsaef;sdk
fasdjfkljdslkjeaklraewptoirs
         sadfklasjrkle;jalwelkrjsrklsdjrsdklj
sdajlfkj;dsklfjdslkfjdslkfjdskljfkld
         sdfkldsjftulunganmoakofsdfddsfd

Iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko
Na hayaan lamang ang mundo na umikot sa harapan ko
Hindi ko alam kung ito nga ba ang dapat kong gawin
Na magpa-agos sa tadhana kahit saan man ako nito pagparin

Noon pa man ay kilala na ako sa pagiging duwag
Hindi humahakbang dahil sa takot na baka lamang malaglag
Maging dati pa man ay puno na ng kahinaan
Hindi nagbabakasakali upang hindi na masaktan

Pilit kong inilalayo ang sarili sa mundo
Nagtitindig ng pader na hindi mapapanhik ng kahit na sino
Naglalagay ng harang na sapat upang maprotektahan ako
Hindi lang sa pananakit ng iba ngunit maging mula sa sarili ko

Pinagsabihan ako noon ng isang kaibigan,
‘Hindi ka liligaya kung puro takot ang iyong ipinapairal.’
Ngunit marami na akong nakitang sumubok at nasaktan
Nakaranas nga ng ligaya, ngunit hindi rin naman nagtagal.

Alam kong mali ang ganitong paniniwala
Sabi nga ng ilan, hindi patutunguhan kundi ang byahe ang mahalaga
Ngunit kapag ibinawas ba sa pait ang nasumpungang ligaya,
Magagawa ba nitong tabunan ang kabigatang dala-dala?

Lalo mo lang pinatunayan sa akin na tama ang naging desisyon ko noon na layuan ka. Na kahit anong pilit mo pang isiksik ang iyong sarili pabalik sa buhay ko ay hindi na kita dapat pahintulutan pa. 

Dahil mali pala. Mali pala na makaramdam ako ng pagsisisi sa bawat pagkakataon na tinatalikuran kita sa tuwing nagtatangka ka na namang lumapit. Sa tuwing gumagawa ka na naman ng paraan na bumalik kahit nilinaw ko naman noon na wala ka nang babalikan pa. Dahil hindi pa pala nawawala ang takot ko sa iyo. Nakakatakot ka. Hindi ka marunong magmahal. Ang nasa isip mo lang lagi ay ang iyong ikaliligaya. 

Inakala kong nagbago ka na. Ilang taon na ba? Tatlo? Dalawa? Sapat na panahon na iyon para makalimot. Para magpanibagong-buhay. Para palayain ang sarili mula sa pagkakagapos sa isang bahagi ng nakaraan na hindi mo na naman mababalikan. Pero pilit ka pa rin palang nakapit. At sa isa pang pagkakataon ay binigyan mo ako ng kasiguraduhan na tamang layuan ka na lang. Na ang pagtatagpo ng landas natin ay isang pagkakamali lang.

Pero gayunpaman, dalangin ko pa rin ang iyong kaligayan at katahimikan ng kalooban. 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sarili ko dahil naiisip na naman kita. Yung isa ko kasing magaling na kaibigan ay muli na namang pinaalala ka. Heto na naman tuloy ako’t binabalikan ang mga naiwan nating alaala. 

Iniisip ko kung sumasanggi pa rin ako sa isipan mo kahit papaano. Gusto kong isipin na gaya ko, napapangiti ka rin kapag napapadaan ako sa isip mo. Na sana’y hindi manaig sa alaala mo kung gaano ako kadrama at kawalang-kwenta noon at ang manariwa lamang dito ay ang mga masasayang kwentuhan at kulitan nating dalawa. 

Hindi ko na ninanais pa na maibalik ang dati. Dahil masaya na ako sa mga naipon kong alaala. Pero idinadalangin ko pa rin na ikaw ay masaya. Iyon lang at ako na rin ay magiging maligaya.

Bagong gupit si pareng Jd. Bidang-bida na naman ang noo. Hahaha. 

Bagong gupit si pareng Jd. Bidang-bida na naman ang noo. Hahaha. 

I really pray for more Christian friends in my life. People who I can talk to and who knows what problems i have and can help me from a Biblical point of view. I love all my friends now. Absolutely. I just pray for more. More support. More accountability partners. Please, God.

Ang ikinatutuwa ko lamang sa kabila ng lahat ng ito
Ay iyong kasiguraduhan na ikaw ay nasa likod ko
Na kahit talikuran man ako ng lahat ng tao
Alam kong naririyan ka’t 
         hinding-hindi gagawing iwanan ako

Ilang beses mo na nga ba akong nasagip
Mula sa pagkakalunod sa kumunoy
         na ako mismo ang lumapit?
Makailang ulit na nga bang ako’y iyong iniligtas
Buhat sa pagkakasadlak
         sa putikang kusa kong binagtas?

Labis-labis na nga ang hiyang nararamdaman
Sa lahat ng pagkakataon na ako’y iyong pinagbigyan
Sa dinami-rami ng aking ginawang kasalanan
Kahit na minsan, 
          hindi nagawang kamuhian.

Kaya’t heto na naman ako
Naririto’t muling lumalapit sa iyo
Dahil alam kong sa unos na ito
Ikaw ang siyang sandigan
          ang tanging makakapitan ko

Alas-9 y media pa lamang pala. Kadalasan ay buhay na buhay pa ako ng ganitong oras. Nagbabasa o nanonood ng mga kwentong hanggang sa haraya lamang maaaring mangyari sa akin. Binubusog ang sarili sa mga bagay na pansamantalang magdudulot sa akin ng ngiti at ilang minutong pagtakas sa realidad.

Pero sobrang pagod ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam. Marahil ay naiipon na masyado ang mga dinadala ko at maging ang katawan ko ay nakakaramdam na ng pagod na noo’y utak ko lamang ang pumapasan. 

Gusto ko nang makalaya. Makawala. Ewan ko ba. Ngunit maging ako ay hindi alam kung paanong makakatakas sa kulungang ako mismo ang gumawa. 

  Kaibigan 1: *inilapag ang bag* Pwede ko bang ilapag dito ang bag ko?
  Kaibigan 2:  Minsan talaga kailangan nating bitawan ang mga bagay na
                        nagpapahirap lang sa atin.
  Kaibigan 1: Paano kapag hindi mo kayang bitawan?
             Ako:  Bitawan mo man ang isang bagay, kung mahalaga talaga
                      iyon sa iyo, diba’t babalikan mo pa rin ito? Tulad niyang bag mo.
  Kaibigan 1: So kailangan laging ikonekta sa buhay? Bag pa rin ba ang
                            pinag-uusapan natin? *Hahaha*