Siguro nga hindi pag-ibig ang hanap ko. Isang taong makakaintindi. Yung makakaunawa sa pinagdadaanan ko. Iyon marahil ang kailangan ko. Yung kayang sakyan lahat ng kababawan ko. Yung makagagawang makatagal sa kaweirdo-han ko. Kahit hindi na ako mahalin. Kahit kaibigan lang ang turingan namin. Basta matatagalan ako. Basta matatanggap kung sino ako.