Hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao na mag-open up sayo. Kahit kaibigan mo pa siya. Kahit sobrang close kayo. Kasi kung tunay kayong magkaibigan, alam mong kung handa siya, sasabihin niya ito sa iyo. Pero kung hindi, dapat mo itong irespeto. Marami namang paraan para maipadama mo ang concern mo. Kasi hindi natin napapansin minsan, na dahil sa inaakala nating pakikiramay, mas lalo lang na ang utak nya ay nagugulo.