SIRANG TEKLADO
JD TAN. Bente uno. Utak pito. Mukhang trenta'y kwatro. May lahing tsino. Ngunit mas nanaig ang pagiging negro. Welcome sa blog ng isang full-time siraulo.

Lagi kong sinasabi sa Iyo na iiwan ko na ito. Na magpapakatino na ako. At babalik na sa Iyo. Pero heto pa din ako’t patuloy na nagugumon sa kalokohang ito. Sa pagkakamaling ginusto ko at hindi magawang bitawan kahit alam kong labis na ikinabibiyak ito ng puso mo. Nagsasawa na ako sa mga paulit-ulit na pangyayari sa buhay ko. Na lagi na lang akong talo. Laging nagpapatalo. Pero sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat ako sa Iyo ng sobra dahil hindi mo ako kailanman kinalimutan. Hindi mo ako kailanman pinabayaan. Na handa Mo pa rin akong yakapin sa kabila ng mga paulit-ulit kong kabiguan. Na handa Mo akong akayin sa bawat pagdapa at kapag hindi ko na alam ang tamang daan. Salamat po at patawad. 

  1. mrdididexter reblogged this from davidscry
  2. davidscry reblogged this from crazyjd
  3. salungat said: <’))><
  4. crazyjd posted this