SIRANG TEKLADO
JD TAN. Bente uno. Utak pito. Mukhang trenta'y kwatro. May lahing tsino. Ngunit mas nanaig ang pagiging negro. Welcome sa blog ng isang full-time siraulo.

Nasagip ng nigiti

Nagsimula na siyang sumigaw. Kapag talaga galit ang isang tao ay hindi na nya magawang pakinggan ang anumang paliwanag. Pero sumusubok pa din ako. Kahit na ba halata sa boses ko ang kaba dahil sa aking pangangatal.

Ilang beses ko na itong naranasan, e. Sigawan. Awayin. Mapagbuntunan ng bugso ng damdamin. Akala ko nasanay na ako. Hindi pa rin pala. Kapag nasa ganoong sitwasyon ka, ang tanging pagpipilian mo ay sumabay sa galit ng kausap mo o di kaya ay kumalma. 

Pero sa mga ganitong pagkakataon, may isang bagay na laging nagliligtas sa akin. Ang ngiti ko. Ang maamo ko daw na ngiti. Kasi matapos nilang magalit at lahat lahat, makikita pa rin nila akong nakangiti. At bigla na lang silang kakalma. Madalas ay hihingi pa ng tawad dahil sa inasal nila.

Sino nga bang mag-aakala na sa likod malapad kong katawan at mala-sanggano kong itsura ay mabibiyayaan ako nito? Ng maamong ngiting sa isa pang pagkakataon ay nagawang masagip ako. 

  1. erwinordonez said: parang ganyan?
  2. drummer-boy said: killer smile. :)
  3. crazyjd posted this