Ayoko talaga ng pakiramdam na binabalewala. Yung alam naman nila na nandyan ka, na kaibigan ka din naman nila pero pinaparamdam nila na iba ka. Na hindi ka nabibilang sa kanila. Tapos ikaw pa itong mahihirapan kung saan mo ilulugar yung sarili mo dahil kapag lumayo ka naman, sasabihin nilang ikaw naman ang nagkusang umiwas. Kapag nanatili ka naman, kailangan mong tiisin na hindi ka nila pahalagahan. Ang tanging pwede mo lang gawin para hindi ka naman talo ay maging manhid na lang. Mahirap nga lang. Pero kailangang kayanin mo na lang.
Ayoko talaga ng pakiramdam na binabalewala. Yung alam naman nila na nandyan ka, na kaibigan ka din naman nila pero...