SIRANG TEKLADO
JD TAN. Bente uno. Utak pito. Mukhang trenta'y kwatro. May lahing tsino. Ngunit mas nanaig ang pagiging negro. Welcome sa blog ng isang full-time siraulo.

Hindi ko maunawaan kung bakit bigla ka na lang naging ganyan. Dati rati tayo lang ang magka-sangga. Ang laging magkasama. May mga sariling mundo’t walang masyadong paki sa iba basta masaya tayong dalawa. Kahit hindi nag-uusap. kahit ilang oras na walang imik basta ba magkasama. Tapos ngayon bigla ka na lang magbabago. Naiintindihan ko naman na madalas kang may topak. Maliwanag iyon. Ganun din kasi ako, diba? Isa lang iyon sa maraming bagay na magkahalintulad tayong dalawa. Kasi nga parehas ang ugali natin. Pero hindi naman yata patas na hindi mo na lang ako kakausapin ng ayos bigla. Hindi naman pwedeng basta-basta mo na lang akong pakitunguhan ng hindi maganda. Kausapin mo ako kung may problema. Hindi iyong wala akong ideya’t isip ng isip kung meron ba akong maling nagawa.

  1. crazyjd posted this