Free Hugs Meet up. Ito so far ang pinaka-masayang meet up na napuntahan ko. Bukod kasi sa nagkasama-sama kayo ng mga kaibigan mo, mas nakakatuwang iparamdam yung pagmamahal sa ibang tao sa pamamagitan ng simpleng pagyakap. Nakakatuwa ang reaksyon ng bawat isa pagkatapos. Ang sarap tingnan ng kanilang mga ngiti na naidudulot ng simpleng yakap lang. :)