Alam ko naman na hindi tama ang lahat ng mga naging desisyon ko. At mas lalong alam ko na hindi ko dapat ibunton lahat ito sayo. Dahil sa huli, ako din naman ang pumili ng landas na tinatahak ko ngayon. Pero itanggi mo man, ikaila mo man, alam natin na mayroon kang kinalaman sa kung bakit ako nagkakaganito. Sa kung bakit ako ganito ngayon. Kaya hindi mo pwedeng ipamukha sa akin ang mga kamalian ko. Dahil bahagi ka nito.