JD TAN. Bente uno. Utak pito. Mukhang trenta'y kwatro. May lahing tsino. Ngunit mas nanaig ang pagiging negro. Welcome sa blog ng isang full-time siraulo.
Tumingala ako at sumilip sa bintana. Kanina pa akong nakaupo sa aking kama. Walang ginagawa. Walang iniisip. Komportableng naka-de kwatro’t nakatulala. Panatag ang loob. Walang anumang sa isipan ay gumugulo. Ganito palagi ang simula ng araw ko.