Minsan dahil sa sobrang kaabalahan natin sa maraming mga bagay sa buhay ay nakakalimutan nating tumigil panandalian at tanungin ang sarili kung masaya pa nga ba tayo. Kung masaya ka pa nga ba sa itinatakbo ng buhay mo. Siguro kasi takot tayo. Takot na kapag tumigil sandali at suriin ang katotohanan, mapagtanto nating hindi naman talaga tayo lubusang masaya. Na hindi ang mga bagay na ginagawa natin ngayon ang talagang makagbibigay sa atin ng ligaya.