Hindi maisalin sa salita
Ang kasalukuyang nadarama
Hindi alam kung susuko na
Hindi na batid kung dapat pa bang kumapit pa
Hinihintay kong manggaling mismo sayo
Na utusan akong bitawan na ang kamay mo
Dahil kahit na ba maluwag na ang kapit mo
Ay sinusubukan ko pa ring humawak dito.
Pero handa namang bumitaw
Handa naman ika’y pakawalan na lang.
Ang gusto ko lang ay may kasiguraduhan.
Ang gusto ko lang ay marinig ang iyong pamamaalam.
Anong ba ang nakita mo
At pinili mo ako?
Hindi naman karapat-dapat
Hindi naman naging tapat sayo
Iniisip kong mabuti
Kung ano nga bang meron ako
Na nakapukaw sa mata mo
At nagbunsod para tawagin ako
Sinisiyasat ang sarili
Ngunit hindi talaga mawari
Dahil alam kong ako’y marumi
Maraming nagawang pagkakamali
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito
Ay pinatawad mo ako
Nilimot ang kakulangan ko
At nakangiting niyakap mo
Wala pa ring nagbago
Gaya noong araw na sinagot mo ako
Labis labis pa rin ang tuwa
Hindi nagmaliw ang ligayang nadarama
Isang buwan na ang nakararaan
Simula noong tayo’y naging magkasintahan
At sa bawat araw na dumaraan
Mas tumitindi ang pagmamahalan
Pag-iibigan ma’y di perpekto
Mga bagay ma’y medyo magulo
Hindi man lahat ay umaayon sa ating gusto
Asahan mong patuloy lang akong kakapit sa iyo
Dahil anomang sabihin ng iba
Sa atin ma’y tumutol sila
Kahit mundo ma’y tumalikod na
Patuloy pa rin na mamahalin ka
Kaya giliw ko
Laging asahan mo
Kahit ako man ay kilalang sira ulo,
Tapat ang pag-ibig ko sa iyo.
Hindi batid ang kadahilanan
Kung bakit ba hindi mapigilan
Na sa bawat oras na dumadaan
Ay alalahanin ang gunita ng nakaraan
Na kahit anong sakit man
Kahit anong saklap ng pinagdaanan
Kahit naging bunga nito’y kabiguan
Namamayani pa rin ang pagmamahal
Siguro’y dahil kahit nagkalayo
At tuluyan nang nagsara ang pinto
At napako nang lahat ng pangako,
Mas malalim pa din ang naging pag-ibig ko sayo
Na kahit tapos na
At wala nang pag-asa pa
At nagawa na ding ang lahat ay matanggap na
Ang pagmamahal sayo’y hindi na maiaalis pa
At ngayon nga’y nandito lang ako
Nag-iisa sa aking kwarto
Habang nagdiriwang ang lahat ng tao
Ngayong araw ng mga puso.
Nais kong maglayag
Magpakalayo
Kahit saan pa mapadpad
Kahit di alam kung sa patutungo
Huwag lang dito
Huwag lang manatili sa kinatatayuan ko
Kailangan kong lumayo dito.
Kailangan kong iwan ang lahat ng ito
Hindi mapakaling iniisip
ang mga salitang narinig.
Tinatanong ang sarili
sa kung saan nga ba nagkamali.
Ako nga ba ang nagkamali?
Dahil sa puntong ito
na ang lahat ay magulo
at hindi natin alam
kung ano nga ba ang naging dahilan nito,
magsisisihan ba tayo?
Diba’t, parehas natin itong ginusto?
Hindi naman talaga manhid
Mas pinipili lang talagang tumahimik
Dahil ang tangi lang naman na ninanais
Ay isang mapayapang paligid
Hindi ka binabalewala
Sadyang umiiwas lang sa lahat ng drama
Kaya anumang iniisip ay iwaksi mo na
Isang kaibigan ang turing sayo talaga
Wala naman kasing dapat ikaiwas
Sadyang may bagay na ang paniniwala’y taliwas
Ang kailangan lang ay umunawa
Dapat lang na marunong magparaya.
Bigla na lang pumatak ang mga luha
Magkahalong lungkot at tuwa
Galak, dahil ikaw na ngayo’y malaya
Lungkot, dahil ako’y nakabulid pa
Naaalala mo pa ba?
Noong sabay nating hinaharap ang problema?
Hindi alam kung saan magsisimula
Pero hinarap lahat ng magkasama
Ngunit nagulat na lang isang araw
At tila ba nagiging mailap ka
Ang ikinatatakot ay nangyari na nga
Nang ikaw nga’y nagpaalam na.
Madalas pa rin naman tayong magkita
Ngunit lahat na nga ay nag-iba
Na tila ba hindi magkakilala
Na ang lahat ay balewala na
Kaya nga nang aking marinig ang balita
Ay labis labis ang aking pagkatuwa
Sa wakas, ikaw na ngayo’y malaya
At magagawang makalipad na
Kahit ako’y nananatili pa rin dito
At ang tanging magagawa lang ay tumanaw sayo
Lagi lang nakaantabay sa pagbalik mo
Sa oras na mapagod ang mga pakpak mo.
Palagian ka na lang takot
Lagi na lang nagaalangan
Ayaw man lang sumubok
Hindi naman dapat laging may patunayan
E ano kung madapa ka?
O kung ilang beses mang matalo pa
Ang mahalaga ay hindi sumusuko.
At patuloy na lumalaban ka.
Kasi ang pagkadapa,
Ay hindi nangangahulugang talo ka na
Nag-umpisa kang matalo
Noong hindi ka na nag-abalang tumayo pa.
Inakalang laging maasahan
Na walang makakasira sa ating pagkakaibigan.
Nangakong basta’t magkasama,
Laging maayos ang lahat,
Palagiang masaya.
Ngunit ngayon ang tingin
sa sarili’y isang mangmang,
Dahil ako’y binigo mo lamang.
Mahihirapan nang muling
Magtiwala kanino man.
Salamat, sa pagtuturo sa akin,
Na hindi dapat magtiwala sa mga kaibigan.
At salamat, sa iyong mga kasinungalingan.
Ang pagkakaibigan at masasayang pinagsamahan natin,
Bawiin mo na, bawiin mo na lang.
Mauupos din ang kandila,
Maglalaho ang liwanag nitong dala,
Ang kadiliman ay mamamayani na,
Kalungkutan ang siyang madarama.
Walang makatatakas,
Lahat ay magwawakas,
Kahit ang mga tila malalakas,
Ay para ring dahong malalagas.
Hindi makaiiwas ang sinoman.
Buhay sa mundoy may hangganan.
Ang pinakanakatatakot na katotohanan,
Ang lahat ay may katapusan